1. Default Section

Chinese | English | Spanish | Somali | Tagalog | Vietnamese

Kumusta! Hinihiling namin ang inyong tulong sa pamamagitan ng pagpuno ng maikling pormula dahil alam naming kayo ay isang aktibong miyembro ng lokal na komunidad na nagmamalasakit para sa inyong komunidad at lungsod. Kami ay magmumungkahi ng mga ideya tungkol sa carbon neutral na mga lokal na komunidad sa Konseho ng Lungsod ng Seattle sa ika-14 ng Setyembre, 2010.

Ano ang isang carbon neutral na lokal na komunidad? Ang totoo, iyan mismo ang itatanong namin sa inyo! Alam natin na maaaring bumili ng "carbon offsets" upang maging mas carbon neutral, at alam din natin na sa hinaharap tayo ay kailangang gumamit ng mas kaunting fossil fuels at bumuga ng mas kaunting greenhouse gases, ngunit alam din natin na kinakailangan tayong gumawa ng mas marami pang paraan upang matiyak na masusuportahan natin ang lokal na mga komunidad habang patuloy ang kanilang pagsulong na maging mas malusog, masaya, malakas, at matiwasay. Narito and isang maikling artikulo tungkol sa mga resilyenteng lungsod na maaari ninyong basahin bilang isang karanasan.

Sino kami? Kami ay kumakatawan sa mga grupo ng taong tulad ninyong nagsusumikap na bumuo ng mga resilyenteng komunidad at sustenabilidad sa ating mga lokal na komunidad. Maraming iba't ibang uri ng mga grupo sa Seattle na nagsisikap bumuo ng isang sustenableng siyudad – ipagbigay-alam sa amin kung ang inyong grupo ay isang konsehong pang-komunidad, isang kamarang pangangalakal, isang grupo ng pamanang kultura, isang garden club, isang kapitbahayang grupo para sa sining, isang grupo para sa sustenableng komunidad, o anupaman - lahat tayo ay sama-sama sa pagtatrabaho! Gusto naming malaman at isama ang inyong mga ideya, mga mungkahi at mga proyekto ng inyong grupo upang maisakatuparan ang isang sustenable at carbon neutral na lungsod.

Kung nais ninyo ng karagdagang kaalaman tungkol sa aming mga gawain at higit na makasali, puede ninyong bisitahin ang: http://seattleneighbors.org/

Question Title

* 1. Paki bigay sa amin ang impormasyong pang-ugnay sa inyo upang mabigyan namin kayo ng pinakahuling kaalaman kung ano ang aming ginagawa at upang masubaybayan namin kayo at matanong ang inyong mga ideya, mungkahi at ginagawang mga proyekto.

Question Title

* 2. Anong mga bagay-bagay ang ginagawa ngayon ng inyong grupo upang mabawasan ang paggamit sa inyong komunidad ng enerhiya at mga likas na yaman?

Question Title

* 3. Maibabahagi ba ninyo ang anumang ideya tungkol sa mga paraan ng pamahalaang Panlungsod sa paghikayat at pagsuporta ng mga lokal na komunidad upang ang mga ito ay maging mas malusog, mas masaya, mas lokal at resilyente habang tayo ay umuunlad tungo sa carbon neutrality?

Question Title

* 4. Ang pamahalaang panlungsod ay binubuo ng mga taong katulad nating buong pusong nagsusumikap na bumuo ng isang maunlad na komunidad. Tumutulong ba ngayon sa pamahalaan ang inyong grupo upang maging mas resilyente at sustenable? Paano kayo maaaring makatulong sa hinaharap?

Question Title

* 5. Maging malikhain! Ano ang ibig sabihin ng "carbon neutral" sa inyong lugar? Anong mga trabaho, negosyo, at mga gawain ang uunlad kung ang inyong lugar ay gagamit ng mas kaunting fossil fuel? Ano ang magiging hitsura ng mga bahay, paaralan, kalye, at hardin? Anong mga serbisyo ang maiaalok ng Lungsod para sa inyo?

Question Title

* 6. Mayroon ba kayong mga iba pang ideyang nais ibahagi tungkol sa kung paano ang Lungsod at mga lokal na komunidad nito ay maaaring maging mas carbon neutral?

T