Ang Koalisyon para sa Pangkaispang Kalusugan ng mga Bata at Kabataan ng Ontario [Ontario Coalition for Children and Youth Mental Health] ay isang maramihang sektor na network ng mga lalawigang kasosyo sa edukasyon, pangkaisipang kalusugan at mga pagkagumon, kalusugan, pampublikong kalusugan, hustisya, mga serbisyong pangkomunidad at panlipunan, at pananaliksik kasama ng mga magulang/mga tagapag-alaga at kabataan. Ang mga miyembro nito ay may malakas na pangangailangan na tiyakin ang pinakamahusay na pangkaispang kalusugan at kapakanan para sa mga bata, kabataan at kanilang mga pamilya ng Ontario sa pakikipagtulungan sa ilang mga grupo upang bumuo ng mga kagamitan at mga mapagkukunan na naglalayong palawakin ang kaalaman sa pangkaispiang kalusugan sa mga magulang/mga tagapag-alaga. Sa pamamagitan ng pagsisiyasat na ito, umaasa kaming matututo pa tungkol sa mga paksang lugar ng interes at ang iyong mga kagustuhan para sa kung paano pinakamahusay na magbahagi ng impormasyon tungkol sa pangkaisipang kalusugan ng mga bata. Makakatulong ito sa amin na lumikha ng mga mapagkukunan na makakatugon sa iyong mga pangangailangan, at makipagtulungan sa aming mga kasosyo sa lupon ng paaralan upang ibahagi ang mga ito sa iyo sa mga paraan na makikita mong lubos na nakakatulong.
Mangyaring malaman na ang pagkumpleto ng pagsisiyasat na ito ay boluntaryo at ang iyong mga tugon ay anonimo. Hindi namin itatanong ang iyong pangalan at ang mga resulta ay hindi iuugnay sa sinumang partikular na tumutugon. Inaasahan namin na ang pagsisiyasat na ito ay tatagal ng 15 hanggang 20 minuto upang makumpleto.
Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mga alalahanin tungkol sa pagsisiyasat, o kailangan mo ng anumang tulong sa pagkumpleto ng pagsisiyasat, mangyaring makipag-ugnayan sa CoalitionSurvey@opsba.org. Nais nating lahat na umunlad ang mga bata at kabataan sa paaralan, tahanan o sa komunidad at alam natin na ang kanilang pangkaisipang kalusugan at kagalingan ay kritikal sa paggawa nito. Sa pagkumpleto ng pagsisiyasat na ito, tinutulungan mo kami, ang Koalisyon, na bumuo ng mga tamang mapagkukunan para sa iyo – mga magulang/mga tagapag-alaga ng Ontario.

Question Title

* 1. Pinapahintulutan kong kumpletuhin ang pagsisiyasat na ito at ipatala ang aking mga sagot at ibahagi sa mga miyembro ng Koalisyon upang ipaalam sa pagpapaunlad ng mapagkukunan na may kaugnayan sa pagpapalawak ng karunungan sa pangkaisipang kalusugan ng magulang/tagapag-alaga sa pamamagitan ng mga paaralan sa Ontario.

T