Mga mungkahi sa pagpopondo ng CPP at CRDP |
Ang Department of Developmental Services (Kagawaran para sa mga Serbisyo sa Pag-unlad) ay nagtakda ng mga patakaran at pamamaraan para sa pagbuo ng mga taunang mungkahi sa pagpopondo para sa Community Placement Plan (CPP, Plano ng Pagtatalaga sa Komunidad) at Community Resource Development Plan (CRDP, Plano ng Pagbuo ng Mapagkukunan sa Komunidad) ng mga rehiyonal na sentro.
Mahalaga ang iyong opinyon sa pagbuo ng planong ito na kukumpletuhin ng RCEB. Hinihingi ng RCEB ang iyong opinyon para matukoy ang mga serbisyo at suporta na maaaring imungkahi sa Department of Developmental Services at posibleng buuin sa pamamagitan ng mga Community Resource Development Funds (Mga Pondo sa Pagbuo ng Mapagkukunan sa Komunidad).