• English
  • Español
  • Filipino
  • 中文

Introduksiyon

Dahil hiniling ito ni Superbisor Gordon Mar, magsasagawa ang Awtoridad sa Transportasyon (Transportation Authority) ng San Francisco ng Pag-aaral ukol sa Kakayahan sa Pagbibiyahe sa Distrito 4 (District 4 Mobility Study) at nang masiyasat ang mga paraan upang mapalaki pa ang porsiyento ng paglalakad, pagbibisikleta at paggamit ng pampublikong transportasyon sa mga komunidad ng Outer Sunset at Parkside.

Sa karaniwang araw mula Lunes hanggang Biyernes bago ang pandemya, humigit-kumulang sa 76% ng mga biyahe na nagsisimula o nagtatapos sa Distrito 4 ay ginawa ng mga tao na nagmamaneho, kung saan 35% ay mga biyahe ng mga tao na nagmamaneho nang mag-isa. Lalo pang nagkakaroon ng kasikipan sa trapiko dahil sa matataas na porsiyento ng pagmamaneho, kung kaya’t mas mahirap para sa mga lahat ang pagbibiyahe.

Sa gitna ng pandaigdigang pandemya, halos nawala na ang kasikipan ng trapiko. Hindi natin alam kung ano talaga ang magiging hitsura ng hinaharap matapos ang coronavirus. Hindi rin natin alam kung paano maaapektuhan ng pandemya ang magiging kalakaran sa pagmamaneho. Gayon pa man, may pagkakataon tayong gamitin ang kasalukuyang panahon upang mapag-isipan kung paano magpaplano para sa mas maraming opsiyon sa pagbibiyahe sa Distrito 4 sa hinaharap, at nang masuportahan ang pagpapanatili sa kapaligiran o sustainability, at ang kasiglahan ng ekonomiya, habang binabasawasan ang kasikipan ng trapiko.

T