Check SCREEN READER MODE to make this survey compatible with screen readers.
Mga problema at mga ligalig ng mga residenteng hindi Hapones na naninirahan sa Bansang Hapon na sumasailalim sa sitwasyong COVID-19: Isang cross-sectional survey
Kami sa UNIVERSALAID.JP at Nagasaki University ay nagsasagawa ng pagsisiyasat patungkol sa mga problema at mga ligalig o mga rason ng pagkabalisa ng mga residenteng hindi Hapones na nakatira sa Bansang Hapon (lalong-lalo na sa lungsod ng Nagasaki) dulot ng pandemyang COVID-19, sa pagsisikap na makapagbigay ng mga mungkahi at konsultasyon para maibsan ang pagkaligalig at pag-aalala ng mga ito.
Ang pagsisiyasat na ito ay binubuo ng dalawampu’t walong (28) tanong, na masasagutan sa humigit kumulang pito hanggang sampung (7-10) minuto. Ikaw ay pwedeng tumanggi o umurong sa pakikilahok anumang oras. Ang mga sagot na nakolekta sa pagsisiyasat na ito ay tinuturing na kumpidensyal at hindi malalantad sa kahit anumang kondisyon. Bilang dagdag, ang pagsusuri na ito ay ganap na walang lagda at walang panganib na nauugnay.
Maaaring lumahok po kayo sa pagsisiyasat na ito sa pamamagitan ng mga sumusunod na URL o QR code. https://universalaid.jp/survey2020/
Para sa anumang karagdagang mga katanungan, maaari kayong makipag-ugnayan sa aming grupo sa pamamagitan ng pag-email kay Bb. Yoshimi Matsuo, UNIVERSALAID.JP (Email: info@universalaid.jp; Tel: 090-2900-3934).
Sa pamamagitan ng pagkumpleto at pagsumite ng pagsisiyasat na ito, ipinapahiwatig mo ang iyong pahintulot na lumahok sa pagsisiyasat na ito.