Click to access this survey in: English, Spanish, Vietnamese, Korean, Russian, Ukrainian, Arabic, Punjabi, Khmer, Somali, Traditional Chinese, Simplified Chinese, or Tagolog

I-click upang i-access ang survey na ito sa: English, Spanish, Vietnamese, Korean, Russian, Ukrainian, Arabic, Punjabi, Khmer, Somali, Traditional Chinese, Simplified Chinese, o Tagalog

Salamat sa paglalaan ng oras upang ibahagi ang pananaw mo tungkol sa mga pangangailangan ng mga pamilya sa iyong komunidad at sa buong Estado ng Washington!

Anonymous ang pagpapasa ng mga survey. Hindi mangongolekta ng pangalan sa buong proseso ng survey, at hindi susubuking iugnay ang mga sagot ng isang indibidwal sa kaniyang pagkakakilanlan o gamitin ang mga sagot upang kilalanin ang mga indibidwal.

Bakit namin isinasagawa ang survey na ito
Sa bawat limang taon, ang Department of Health (DOH, Kagawaran ng Kalusugan) ng Estado ng Washington ay gumagawa ng isang pagtatasa sa kalusugan ng mga bata, magulang at tagapangalaga, at mga pamilya sa estado.  Sa tulong ng impormasyong kinakalap namin, natutukoy namin ang mga priyoridad na gumagabay sa trabahong ginagawa namin. Isinasagawa ng DOH ang Survey sa Pagtuklas bilang bahagi ng prosesong ito. Hangad ng Survey sa Pagtuklas na alamin kung ano para sa mga taong katulad mo ang pinakamahahalagang bagay na sa palagay nila ay nakaaapekto sa kalusugan ng kababaihan, kabataan, at mga pamilya. Ang impormasyong ito tungkol sa iyong mga palagay, lalo na sa mga bagay na gumagana at ang mga bagay na maaari pang mapabuti, ay mahalaga para sa amin.

Binubuo ang survey ng sampung tanong. Ang unang dalawa ay nagtatanong tungkol sa iyong mga pananaw at opinyon sa kung ano ang tumutulong sa kababaihan, kabataan, at mga pamilya na magtagumpay at kung ano ang hindi nagagawa na maaaring makatulong sa kanilang magtagumpay. Ang lahat ng iba pang t

Question Title

* 1. Ano ang pinakamahahalagang bagay na kailangan ng mga pamilya upang makapamuhay sa pinakamabuting paraan?

Question Title

* 2. Ano ang pinakamalalaking pangangailangan ng mga pamilya sa iyong komunidad na hindi natutugunan?

Patungkol sa iyo ang mga sumusunod na tanong.  Sa tulong ng iyong mga sagot, malalaman namin kung natutupad namin ang aming mga layuning maging ingklusibo at matugunan ang mga pangangailangan sa buong Estado ng Washington.  Tutulungan kami nitong malaman kung sino ang sumagot sa survey, at kung sino pa ang maaaring kailangan naming makaugnayan.  Pakitandaan: opsiyonal ang lahat ng tanong tungkol sa demograpiko na nasa ibaba.

Question Title

* 3. Ako ay isang…. (pakisaad ang lahat ng kinabibilangan mong grupo sa mga sumusunod)

Question Title

* 5. Sa anong zip code ka nakatira? Kung nakatira ka sa mahigit isang county, pakipili ang isa kung saan mo ginugugol ang iyong pinakamaraming oras.  

Question Title

* 6. Sa anong hanay ng edad (sa taon) ka kabilang?

Question Title

* 7. Do you identify as Hispanic or Latin(o, a, x, e), or are you from a county in Latin America?

Question Title

* 8. Pakisaad kung sa alin sa mga sumusunod ka kabilang (lagyan ng check ang lahat ng angkop)

Question Title

* 9. Nasa ibaba ang isang listahan ng mga terminong maaaring gamitin ng mga tao upang ilarawan ang pagkakakilanlan ng kasarian nila. Piliin ang lahat ng angkop.

Question Title

* 10. Nasa ibaba ang isang listahan ng mga terminong kadalasang ginagamit ng mga tao upang ilarawan ang kanilang seksuwalidad o seksuwal na oryentasyon. Piliin ang lahat ng angkop.

SALAMAT sa pagsagot sa Survey sa Pagtuklas na ito!  Pinahahalagahan namin ang iyong oras at pagsisikap upang tulungan kaming mapabuti ang kalusugan ng kababaihan, kabataan, at mga pamilya sa Washington. Kung mayroon kang anupamang tanong, feedback, o obserbasyon na gusto mong ibahagi tungkol sa Needs Assessment (Pagtatasa sa mga Pangangailangan) na ito o sa Maternal and Child Health Block Grant (Perang Gawad ng Pambansang Gobyerno sa Maliit na Gobyerno para sa Kalusugan ng Ina at Anak), makipag-ugnayan sa amin sa MCHBGPublicComment@doh.wa.gov.

T